Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PSU coach bilib kay Eala

0 79

PINAPURIHAN si Miko Eala ni coach Jeff Zinn sa maastig niyang ‘binyag’ sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Division I Men’s Tennis Championship nitong weekend kahit kinapos ang Penn State University kontra University of Illinois, 5-2.

Dinispatsa ng 18-anyos na kuya ni women’s pro tennis prospect Alexandra ‘Alex’ Eala si Kweisi Kenyatte 7-5, 4-6, 11-9, nitong Sabado (PH time), habang hinakbangandrin ng teammate ni Miko na si Christian Laloseljac si Alex Brown, 7-6 (12), 6-3.

Kaya lang, hindi naman umubra ang Nittany Lions sa apat pang singles match at tatlo sa doubles kontra sa Fighting Illini tennis squad.

“I have good points and bad points to take away from the match,” lahad ni Zinn sa website ng pamantasan. “Good points are that Christian and our new freshmen Miko Eala played really well.”

Graduate ang nakatatandang Eala sa Rafael Nadal Academy sa Mallorca, Spain at sa United States NCAA na mag-aaral at maglalaro, habang nanatili sa RNA ang teenager tennis sensation niyang nakababatang kapatid. (Ramil Cruz)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.