Una sa Balita

Psl: Soltones, PLDT dinayal ang panalo

0 253

APAT na set ang kinailangan ng PLDT Home Fibr Hitters bago talupan ang Marinerang Pilipina Lady Skippers 25-21, 25-20, 18-25, 25-14 kahapon sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Kinapitan ng Hitters si veteran Grethcel Soltones matapos humataw ng 19 attacks, dalawang blocks at isang service ace.

Gumanda nang bahagya ang kartada ng PLDT sa 2-1 habang nabaon sa ilalim ng team standings ang Lady Skippers hawak ang 0-4 baraha.

Namuro ang Hitters sa pagwalis sa Marinerang Pilipina matapos angkinin ang unang dalawang frames subalit natisod sa third.

“’Yun ang problema namin, slow start kami,” patungkol ni Soltones sa bawat set sa kanilang laro.” Kailangan sa umpisa pa lang arangkada na agad.”
“It seems that they are out of focus. That’s not the game I wanted to see after months of practice and a year of togetherness” hayag naman ni coach Roger Gorayeb.

Inamin din ni former NCAA Most Valuable Player Soltones na gusto ni Gorayeb na simula pa lang ng laro ay todo na agad ang lakas nila.

“Gusto ni coach umpisa pa lang malakas na agad ang palo namin,” ani Soltones.

Sa fourth set, hindi na pinaporma ng PLDT ang Lady Skippers, tinarak nila 15-5 abante para madali nilang makuha ang panalo. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy