Una sa Balita

PSL: Orendain nahimasmasan

0 235

HINDI maganda ang pinakitang laro ni Patty Orendain sa kanilang unang laro, kaya naman bumawi ito upang akayin ang Generika-Ayala Lifesavers sa 25-18, 25-15, 25-23 panalo kontra Marinerang Pilipinas kahapon sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Kumayod si Orendain ng 18 points mula sa 15 attacks, dalawang service aces at isang block upang itarak ang 1-1 karta para sa Lifesavers.

Nadapa sa unang laro kontra F2 Logistics, 12-25, 21-25, 17-25 sa opener noong Sabado, agad bumangon ang Generika-Ayala para ipalasap sa Lady Skippers ang pangalawang sunod na talo sa dalawang salang.

Tumikada sina Ria Meneses at Fiola Ceballos ng tig 11 puntos habang nag-ambag si Angeli Araneta ng eight markers para sa Lifesavers. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy