Una sa Balita

PSL: Maraño, F2 tinarakan ang Coco

By
0 52

Mga Laro Bukas: (Alonte Sports Arena)

4:00 p.m. – Cignal vs Generika-Ayala
6:00 p.m. – Petron vs F2 Logistics

WALANG kahirap-hirap na pinagulong ng F2 Logistics ang Cocolife, 25-13, 25-16, 25-8, sa Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nagpakitang-gilas si veteran Aby Maraño upang akbayan ang Cargo Movers sa kanilang tatlong sunod na panalo at manati­ling malinis ang karta.

Si Maraño, skipper ng natio­nal squad na lumahok sa Asian Games sa unang pagkakataon sa loob ng 36 na taon, ay nagtala ng 10 attacks, tatlong blocks at tatlong service aces para sa total 16 points para sa Cargo Movers.

Magandang tiyempo ang panalo ng F2 Logistics dahil pani­guradong kukuha sila ng momentum pagharap nila sa kapwa nila heavyweights na defending champion Petron bukas sa Alonte Sports Arena, Binan City.

Alam ni F2 Logistics head coach Ramil de Jesus na ang laban nila sa mahigpit na karibal na Blaze Spikers ay pahirapan sa event na suportado ng ESPN5, Aksyon TV at Hyper HD bilang broadcast partners.