PSL: F2 Logistics kontra Cherrylume 

By

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
3:00 p.m. — Petron vs Generika-Ayala
5:00 p.m. — F2 Logistics vs Cherrylume
7:00 p.m. — Sta. Lucia vs Cocolife

Pakay ng defending champion F2 Logistics na sikwatin ang pangatlong sunod na panalo laban sa problemadong Cherrylume sa second round ng Philippine Superliga, (PSL) All-Filipino Conference sa Filoil Flying V sa San Juan.

Tangan ang 2-2 karta, sasandalan ng Cargo Movers ang kanilang experience upang makuha ang panalo sa rookie squad Iron Lady Warriors sa alas-singko ng hapon, pagkatapos ng bakbakan sa pagitan ng Petron at Generika-Ayala sa alas-tres.

Nasa tuktok ng Pool D ang F2 Logistics, target nila na manatili sa una­han upang makakuha ng magandang puwesto sa susunod na phase.

“Mag No. 1 sa group D ang  goal namin para makalaban namin ‘yung last sa Pool C,” saad ni F2 Logistics coach Ramil de Jesus.

Muling sasandalan ni De Jesus si reigning UAAP MVP MaJoy Ba­ron na kumana ng 11 puntos matapos nilang kaldagin ang Cocolife, 25-16, 25-12, 25-16 noong Sabado.

Nakabaon naman sa ilalim ng Pool D ang Cherrylume na may 0-4 baraha.

Mag-uunahan sa pa­ngatlong panalo ang Blaze Spikers at Lifesa­vers, hawak nila ang tig-2-1 card sa Pool C.

Parehong may 1-3 records ang Lady Realtors at Assets Mana­gers.

SHARE