Una sa Balita

PSG.LGD dinomina ang Team Liquid, gumawa ng kasaysayan

By
0 16

Pinutol ng Chinese team PSG.LGD ang 11-win streak ng nakaraang kampeon na Team Liquid, upang maging unang team na makapasok sa Top 3 at manatili sa Upper Bracket ng The International 8 sa Rogers Arena, Vancouver, Canada.

Malupit na diskarte ang pinamalas sa Game 1 ng LGD sa kanilang Gyro-Wisp combo na gamit nina fy at Ame-.

Hindi rin nakapalag ang star player ng Team Liquid na Amer ‘Miracle’ Al-Barkawi’s gamit ang Phantom Lancer dahil sa matinding pagbakod ng Leshrac ni Lu ‘Somnus’ Yao.

Sa Game 2, TL naman ang gumamit ng Gyro-Wisp katuwang ang Alchemist ni Miracle sa carry position.

Ngunit hindi pa rin ito umubra kontra sa Earthshaker ni Xu ‘fy’ Linsen at Bloodseeker ni Somnus. Tumapos si Somnus ng walong bahid ng pagkamatay, 16 kills at 11 assists.

Ayon sa Esports analyst na si Nahaz, ito rin daw ang ika-16 na pagkakataon na nakapagtala ang isang manlalaro ng 12-plus kills, 17 minuto pa lang ang lumilipas sa laro.

Isa pang nakamit ng LGD ay ang maging kauna-unahang koponan na makatapos sa Top 3 ng TI ng apat na beses.