Una sa Balita

PSC’s Laro’t Saya sa Parke tuloy

By
0 81

Sa pagpapakita ng balanseng trato sa elite sports at grassroots sports, ipagpapatuloy ng Phi­lippine Sports Commission ang pagsasagawa ng 5th Laro’t Saya Sa Parke-Play And Learn Sports For Free 2017 sa tatlong Metro Manila ve­nues at mga probinsya kahit kasagsagan ang pagi­ging abala sa pagkampanya ng bansa sa 29th Southeast Asian Games 2019 sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto 19-30.

Nabatid kahapon kay PSC Chairman William Ramirez sa pamamagitan nina LSP-PALSF Coordinators Julia ‘Dole’ Llanto ng Manila sa Burnham Green grounds sa Luneta, Estrella Decano ng Quezon City sa QC Memorial Park and Circle, at Jea­nette Bulda-Dinglasan ng San Juan sa Pinaglabanan Park.

“Gusto ni Chairman Butch (Ramirez) na tuluy-tuloy pa rin ang Laro’t Saya maski may SEA Games hindi lang naman sa Metro Manila pati sa mga lalawigan gaya sa Kalibo-Aklan, Iloilo, Davao, Naga, Tagum, at Bacolod,” wika nina Llanto, Decano at Dinglasan. “Hiwalay naman ang mga tao para sa SEA Games at Laro’t Saya.”

Dinagdag ni Llanto na may 770 ang bumahagi sa programa ng national go­vernment sports agency sa Luneta kahapon. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy