Una sa Balita

PSC zumba marathon: Basco, 3 pa kampeon

0 365

Napuno ng kasiyahan ang family oriented at community grassroots physical fitness development program na Philippine Sports Commission Laro’t-Saya sa Parke, PLAY ‘N LEARN Sports for Free maghapon ng Sabado sa Quezon City, Manila at San Juan City.

Nagtulong-tulong sina PSC area coordinators Julia “Dhole” Llanto ng Manila, Elias Samorin ng QC at Jeanette ‘Jean’ Bulda-Dinglasan upang maisagawa ang kinaaaliwang zumbathon o zumba marathon na pinakahuling aktibidad ng programa para sa mga nagsisidalong pamil­ya, kabataan, estudyante at senior citizen.

Isinagawa ang zumbathon sa monumento ng Kartilya ng Katipunan sa tabi ng Manila City Hall sa Ermita, sa Blue stage ng QC Memorial Circle at sa Pinaglaba­nan Shrine sa San Juan.

Umabot sa mahigit sa 1,000 libo ang sumali sa QCMC, habang 500 sa Maynila at lampas na sa 600 ang nagpaparehistro sa San Juan habang sinusulat ang balitang ito.

Waging top three sa zumbathon 41-years old and above male category sina Franklin Castaritas, Edgar Mabanta at Joey de Guzman na mga miyembro ng LuZhaw, habang sa female category sina Jackylyn Cruz, Brenda Serafin at Malou Aseniero.

Sa 18-40 male division 1-2-3 sina Benjie Pras, Frederick Enriquez at Jerson Belanguiat samantalang sa female division sina Joann Basco, Jenny Castillo at Belinda Milan.

Ang mga magwawagi sa tatlong lugar kasama ang sa SJC ang mga magkakaharap-harap sa kinukunsiderang national zumbathon championships ngayong araw sa Liwasang Bonifacio kung saan nakataya ang mas mataas na mga papremyo.

Una nang binigyan ng mga limited edition uniforms at track suits ang mga nagwagi bukod sa P5,000, P3,000 at P2,000 cash prizes sa top 3 winners. Namigay rin ang PSC ng mga iba’t ibang bola ng basketball, volleyball at football sa pamamagitan ng raffle. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More