Una sa Balita

PSC tutulong sa pamilya ng namatay na 11 student athlete

0 372

IKINALUNGKOT ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagkamatay ng 11 elementary student-athletes Biyernes ng umaga matapos mahulog ang sinasakyan nito na mini dump truck habang patungo sa isang torneo sa Sitio Lingatong, Barangay Upper Becerril sa bayan­ ng Boljoon, Cebu.

Nagpahayag ng pakikidalamhati si PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez sa pamilya ng mga kabataang atleta na may edad 10 hanggang 12-anyos na nais lamang na sumali sa isang torneo su­balit sinawingpalad na maaksidente.

Kinumpirma ng tagapagsalita ng alkalde ng Boljoon Cebu na si Robin Nieri ang nangyari kung saan nangga­ling sa Nangka Elementary School ang mga estudyante at papunta sana sa bayan para sa kanilang district meet.

“Nakakalungkot,” sabi ni Ramirez. “Tutulong ang PSC. Give me details of the situation,” sabi ni Ramirez.

Pag-aari ng munisipyo ang nasabing dump truck na siyang kumarga sa 20 mga estudyante kasama na ang ibang mga magulang. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy