Una sa Balita

PSC tutulong sa pagbangon ng Batangas

0 287

ILALATAG ng Philippine Sports Commission (PSC) ang isang komprehensibong programa na nakatutok sa grassroots development at sa ikakaangat ng mga elite na atleta sa iba’t ibang internasyonal na torneo.

Ito ang laman ng pahayag ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa isinagawang simpleng selebrasyon ng ika-30 taong anibersaryo ng PSC kahapon.

“Hindi na kami nag-imbita ng mga dating chairman dahil ganito kasimple namin gusto iselebra ang 30th anniversary at kahit na isang milestone ito, ganito talaga ang gusto namin mangyari na maging mo­delo kami ng kasimplehan pero nakakatulong sa mas maraming tao,” paliwanag ni Ramirez.

Dagdag ni Butch, nakalatag na ang buong plano ng ahensiya sa buong taon kung saan makakatulong nito ang Philippine Sports Institute (PSI) sa pagpapatupad ng iba’t ibang aktibidad na pasisimulan ng Sports Summit sa Pebrero 27-28 at ang pagtulong din nito na maibangon ang probinsya ng Batangas mula sa pagputok ng Bulkang Taal.

“Katatapos lamang namin magmiting kahapon ng mga regional coordinator at nakaplano na lahat ng mga prog­rams natin all over the country. Aprub na ang buong program sa PSC Board at for implementation na lang siya. We will start muna sa Sports Summit for the direction,” sabi ni PSI Director Marlon Malbog.

Samantala’y gina­waran naman ng PSC ang mga empleyado nito na nagtagal ng 5 years ng loyalty award ito ay sina Ariel Flores, Allan Flores, Charlene Mae Cabigan, Liezl De Luna, Rovilyn Gofredo at Bernice Adante.

Kasama sa awardee para sa pagsilbi ng 20 years na binigyan din ng 5K cash, plaque at relo sina Manuel Bitog (June 1995) at si Nestor Samson (October 1999).

Binigyang karalangan sa kanilang 25 years na serbisyo na may 5K cash, plaque at service sina Elmer Arreza, Roldan Sadsad, Janette Manalo, Jose Marie Gispert Jr., Gloria Quintos, Rolando Jose, Roselle Destura at Maria Maita Linco. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More