Una sa Balita

PSC tutulong sa Luzon Cup

0 274

NAGTULUNGAN ang Philippine Sports Commission (PSC) kasama ang Negros Occidental Football Association (NOFA), Central Luzon Football Association (CLFA) at iba pang samahan upang maisagawa ang Luzon Cup, football tournament para sa Boys Under 12, Nobyembre 21-24 sa Jose V. Yap Sports and Recreational Park sa San Jose, Tarlac.

Tambalan sina PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, NOFA President Ricardo ‘Ricky’ Yanson Jr., CLFA Secretary General Ed Flaminiano, dating national player Alvin Ocampa at Gawad Kalinga Sipag Football Club Marlyn Importante kasama ang ibang koponan sa paglulunsad ng grassroots program sa Century Park Sheraton kahapon.

“Nagpapasalamat kami sa NOFA dahil kinakaila­ngan pa namin sila para ma-organize ang football prog­ram namin dito sa Central Luzon,” sabi ni Flaminiano.

Related Posts

Ang Tarlac Provincial at City Government pati ang Department of Education-Tarlac ay tumulong din sa pagsuporta sa event na asam na makapagsagawa ng mas maraming age group football competition sa buong bansa.

Sinabi ni Ramirez na nakahanda itong magbuo ng isang magandang tropeo habang ipapahiram din nito ang bagong gawang Rizal Memorial Football pitch para sa mga sports association sa kanilang event at aktibidad sa sports development partikular sa rehiyon. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy