Una sa Balita

PSC SASAKLOLO PA RIN SA 2019 SEAG HOSTING

By
0 3

Aayuda pa rin ang Philippine Sports Commission (PSC) para pang-apat na pagtayong punong abala ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games (SEAG) sa taong 2019.

Giniit ito ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa panayam ng ilang sportswriters kamaka­lawa.

Pero dahil may unliquidated P250 million pa na kinasangkutan ang Phil. Olympic Committee (POC) sa 2015 SEA Games hosting ng bansa, ang mga accountants lamang ng government sports agency ang mga makakasalamuha ng private sports organization.

Abante Hiring – IT dep

“We at the PSC are committed to the SEA Games, Asian Games and the Olympics,” wika Ramirez patungkol sa Republic Act 6847 na bumuo sa PSC noong 1990. “Pero hindi kami makikialam sa hosting dahil kanila (POC) iyon (SEAG). Kaya bahala na sila sa ­aming mga ipapadalang accountants.”

Kinagalit ni Ramirez ang mga pahayag ni POC president Jose Cojuangco Jr. na hindi dapat makialam ang government sports agency sa pagpa­patakbo sa sports ng bansa at sa halip ay maging tagapagbigay lamang ng pondo sa mga national sports associations (NSAs) at sa POC ang PSC.

“Those statements simply put the demarcation line,” hirit ni Ra­mirez, ang chef de mission ng Pilipinas sa makasaysayang pagsungkit sa pinakaunang overall championships ng mga Pinoy sa noong 2005. Unang dalawang ulit na mga binalikat ng bansa ang SEAG noong 1981 at 1991.

“Bahala sila (POC) sa SEAG. We are only committed to fund athletes that will compete in SEA Games, Asian Games and Olympic Games,” panapos ni Ramirez.

Nakatuon din siya sa posibleng paglutas sa matagal nang unliquidated account ng POC sa 2005 SEAG kung saan nakabinbin ang P250M sa Commission on Audit (COA) at sabit si Cojuangco at ilan pa.

Dahil naman sa walang kakayahang kumuha pa ng mga sponsors, binabalak ni Cojuangco na ipasa na lang ang 2019 hosting ng biennial­ sportsfest sinuman sa 2021 at 2023 hosts Vietnam at Cambodia.