Una sa Balita

PSC, POC, Phisgoc aprub sa Tripartite Agreement

0 218

INAASAHANG full blast na ang paghahanda sa 30th Southeast Asian Games gayundin ang mga isinasaayos na mga pasilidad sa sports sa iba’t ibang lugar sa pagkumpleto sa importanteng Tripartite Agreement sa pagitan ng Philippine Olympic Committee, Philippine Sports Commission at Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc).

Kinumpleto nina POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino, PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez at Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) Foundation Inc. Chief Executive Officer Ramon ‘Tatz’ Suzara sa pagpirma nito sa tripartite agreement para sa biennial meet sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Base sa tripartite agreement, ang POC at miyembro nitong NSAs ang siya lamang mamamahala sa pagpapatakbo sa paglalabanang 56 sports habang ang PSC ang siyang magbibigay ng financial support na mula sa General Appropriatons Act pati na rin sa pagtulong sa mga manpower.

Una nang napagkasunduan sa tripartite agreement na inaprubahan sa isinagawang POC Executive Board Meeting noong Agosto 9 ang pagtanggal sa ilang probisyon na nagsasaad na ang pribadong asosasyon ng bansa sa sports ang siyang magiging guarantor sa mga financial obligation ng mamamahala na Phisgoc Foundation. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy