Una sa Balita

PSC nutrition hall sa RMSC nag-operasyon na — Velasco

0 221

Nag-umpisa na ang operasyon ng Philippine Sports Commission Nutrition Hall sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila nitong Biyernes, Mar. 15 na inaasahang inisyal na makapagpapakain ng humigit-kumulang 500 atleta.

“There were a lot of challenges along the way but this is a promise that PSC Chairman William Ramirez made and made sure to keep,” pahayag ni PSC Sr. Executive Assistant at concurrent Philippine Sports Institute National Training Director Marc Edward Velasco.

Nagsagawa na rin ng biometrics registration at nutrition assessment ang PSC Nutrition Unit na pinamumunuan ni Jane Serapion. Lahat ng athletes at coaches na kabilang sa national pool ay nakatakdang sumailalim sa specific diet base sa kanilang requirements kapag na-assess na ng nutritionists.

Makakatsibog ang mga manlalaro ng almusal, tanghalian, hapunan at panghapong meryenda dahil bukas ang kantina ng alas-6:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi mula Lunes-Sabado.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy