Una sa Balita

PSC mangunguna sa Nat’l Sports Summit

0 142

PANGUNGUNAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang National Sports Summit 2020 sa Peb­rero 27-28 sa Philippine International Convention Center (PICC).

“We really want to set the country’s direction in sports,” sabi ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

“Kung ano man ang mapag-uusapan at magiging resulta sa summit, isu-submit natin ito kay Pangulong (Rodrigo) Duterte para sa kanyang nais na maabot ng ating bansa sa sports.”

Kasalukuyang nakatutok ang PSC sa pagpapalakas sa grassroots sports development kung saan ilan sa mga programa nito ang Philippine National Youth Games-Batang Pinoy, Philippine National Games (PNG), Laro’t Saya sa Parke, Indigenous People’s Games, Women in Sports at Children’s Games. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More