Una sa Balita

PSC hugas-kamay sa overpriced ‘cauldron’

0 672

HINDI Philippine Sports Commission (PSC) ang nagpagawa ng kinukuwestiyon na 30th Southeast Asian Games cauldron.

“Not PSC,” ang direktang sagot kahapon ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez hinggil sa kinuwestiyon na cauldron na gagamitin sa opisyal na pagbubukas ng ikaapat na pagho-host ng Pilipinas sa kada dalawang taong multi-sports na torneo na lalahukan ng 10 iba pang bansa.

Nakritisa ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang gagamiting cauldron sa nalalapit na pagbubukas ng kada dalawang taong torneo na gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan dahil sa kaduda-duda na malaking halaga na ginamit para lamang sa pagtatayo ng simbolikong kagamitan.

Hindi nagbigay ng anumang detalye si Ramirez bagaman inaasahan na dahil sa kulang na ang panahon para pigilan ang pagbubuo sa inaasahang magiging simbolikong ilaw sa gaganapin na iba’t ibang laro sa SEA Games.

Una nang kinuwestiyon ni Drilon ang P50-milyon na ibinayad para sa pagpapagawa at disenyo ng stadium cauldron para sa SEA Games, kung saan dapat na sana ito nagamit para sa pagtatayo ng mahigit na 50 classrooms.

Related Posts

“A P50-million kaldero. Do you realize that at P1 million per classroom this can construct 50 classrooms? In other words, we did away with 50 classrooms in exchange for one kaldero, is this a correct conclusion?,” sabi ni Drilon sa delibe­rasyon ng proposed 2020 budget ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

“Is that reasonable? Is that a correct prioritization? Each classroom will cost P1 million and just for the kaldero, which should be used only once, we will spend P50 million.”

Ipinaliwanag naman ni Senador Sonny Angara, na siyang nagpapaliwanag sa BCDA 2020 budget, na ang design cost ng cauldron ay nagkakahalaga ng P4.4 million habang ang pundasyon nito ay P13.4 million.

Umabot naman sa kabuuang halaga ng pagbubuo ng cauldron sa P32 milyon. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy