Una sa Balita

PSA pinasisilip sa madalas na yellow alert

0 362

Hiniling kahapon ni House Deputy Minority Lea­der and Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate kay Pangulong Rodrigo Duterte na atasan ang mga regulatory body at mga kinauukulang ahensiya na pag-aralang mabuti ang lahat ng power supply agreement (PSA) na papasok na mga power utility at tiyaking patas ito sa mga consumer.

Ayon kay Zarate, sa nangyayari ngayon ay la­ging dehado ang mga consumer lalo pa at ilang araw nang naka-yellow alert na posibleng maging sanhi ng pagtaas na naman sa singil ng kuryente dahil sa sabay-sabay umanong nasira ang mga power plant, na mula pa taong 2012 nangyayari.

“Pres. Duterte should immediately order the review of the PSAs of these generation companies as well as those in the works, like the seven (7) midnight deal PSAs of Meralco-related companies, chief among which is the Atimonan One power plant,” giit ni Zarate.

Binigyan-diin ng kongresista, ang dagdag na P1.80 per kilowatt-hour ay magiging pahirap sa mga power consumer kung ipapasa ng Meralco ang pagdami ng konstruksiyon ng Atimonan One Energy Inc.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More