Una sa Balita

PSA gigisahin sa pag-etsapuwera sa helpline

0 228

PINAGPAPALIWANAG ng mga mambabatas ang Philippine Statistics­ Authority (PSA) sa big­laang pagtanggal ng PSAHelpline.

Dahil sa ginawa ng PSA marami ang nagreklamo gaya ng mga kukuha ng authenticated birth certificate, marriage­ certificate, death certificate at certi­ficate of no marriage (Cenomar).

Ayon kay House Depu­ty Speaker at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, magpapatawag siya ng pagdinig sa Kamara kung mabibigo si National Statistician at PSA head Dr. Dennis Mapa na maglatag ng paliwanag kung bakit itinigil ang operasyon ng PSAHelpline.

Inihayag naman ni House Assistant Majority Leader at Quezon City Rep. Precious HipolitoCastelo na dapat matukoy ng Kongreso kung ang natitirang online provider ay makapagbi­bigay pa rin ng mahusay na serbisyo.
Para kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, kinakailangang­ matugunan ng PSA ang reklamo ng publiko.

Binigyang-diin nito na ang mabisang online­ service ay isa sa pinakamahusay na gina­wa kung saan ay mas kumbinyente para sa mga Pinoy ang pagkuha ng dokumento sa pamamagitan ng online application.

Kaugnay nito, disma­yado si PBA party-list Rep. Jericho ‘Koko’ Nograles dahil madalas siyang gumamit ng nasabing serbisyo.

“I am awaiting the PSA’s explanation on how they intend to match or provide better service and convenience to the public. Otherwise, if they just stopped without thinking about the hassle to the public, then that is definitely a disservice to the public,” komento ni Nograles.

Tinanggal ng PSA ang PSAHelpline nitong Ene­ro 4 ngayong taon kaya natira na lamang ang PSASerbilis bilang online provider.

Hanggang Enero 8 ay nakatanggap ang PSAHelpline ng 5,049 tawag at 40,591 user ang bumisita sa kanilang website para umagap ng iba’t ibang importanteng dokumento.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More