Una sa Balita

PSA atrasado sa national ID system

0 320

NOONG Disyembre pa plano ng Philippine Statistics Authority (PSA) na simulan ang pagpaparehistro para sa National ID o Phil ID suba­lit aminado itong hindi pa rin ito umaabante hanggang ngayon.

Inamin ng PSA na wala pa itong narere­histro nang nagbabala ito laban sa fake news na kumakalat na inum­pisahan na ang registration para sa Philippine Identification System (PhilSys) na kumakalat online.

Nilinaw ng PSA na hindi mali ang sinasabing nag-umpisa ang registration para sa PhilSys na sinasabi ng mga Facebook pages at groups na: Philippine National ID Card 2019, Discover Philippines (@DiscoverThePh), Go­vernment PH (@Go­vernment.Philippines), University Belt Manila-Officials (@ubeltmanila), South Upi Highlights (@SouthUpiHighlightsofficial), at Chai Tuazon News (@chaituazon2).

Uunahing bibigyan ng PhilSys ID ang mga mahihirap na nakakatanggap ng conditional cash transfer.

Nagbabala na ang PSA noong Disyembre dahil may mga nanloloko at naniningil sa publiko para makakuha ng national ID. Sinabi na ng PSA na walang bayad ang pagkuha ng national ID para hindi mabiktima ang mga mahihirap na mauunahang bigyan nito para sa conditional cash transfers na ayudang binibigay sa kanila.

Sabi ng PSA, nga­yong Setyembre pa lamang ite-testing ang registration process at system at maglalabas ito ng advisory oras na handa na ito para sa registration.

Payo ng PSA, bisitahin na lamang ang PSA website (psa.gov.ph/philsys) at ang PhilSys Facebook page (facebook.com/PSAPhilSysOfficial) para sa mga opisyal at tamang pahayag tungkol dito. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy