Una sa Balita

PruRide London: Coco 3rd

0 259

TUMERSERA si Fil-Am cyclist Coryn Rivera sa Women Classique PRU RIDE LONDON sa St James Park, Linggo ng hapon.

Pinakita ni Sunweb rider, Rivera na kinakatawan ang Estados Unidos ang kanyang tikas sa sprint, naka-podium pa rin maski maantala siya ng malaking grupong sumemplang.

Nakopo nina Lorena Wiebes ng Netherlands (Parkhotel Valkenburg) at Elisa Balmo ng Italy (Valcar Cylance) ang 1st at 2nd place, ayon sa pagkakasunod.

Si former champion Kirsten Wild ang unang tumawid sa finish line, pero na-disqualified dahil siya ang naging sanhi ng pagkasemplang ng halos 20 siklista sa huling 100 meters ng karerahan.

Nanghihinayang si Rivera dahil nangunguna siya bago ang semplang na naganap.

“Nice to be in podium, this makes me more hungry. Honestly,I’m a bit disappointed because a win is much sweeter. But, this is a step in the right direction compared to the early part of my season,” ani Rivera sa kanyang interview sa RP 2 na dating Sports Radio.

Sunod na papadyak si Rivera sa Sweden at Belgium, na asinta ang unang panalo ngayong season, kailangan niyang manalo para sa kanyang asam na makasama sa US team sa 2020 Tokyo Olympics.

“It s cool having a nice relationship with Prudential, I had chance to travel to the Philippines last year, so nice to have the following here in London,” panapos ni Rivera. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More