Una sa Balita

PRRC,NCMF nagsanib-puwersa para protektahan ang mga Muslim community

0 249

NAGKASUNDO ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) at National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) para lagdaan ang isang Memorandum of Understan­ding upang matugunan ang kagustuhan ni Pa­ngulong Rod­rigo Roa Duterte na makontrol ang polusyon sa Ilog Pasig nitong Abril 10 sa Cocoon Boutique Hotel, Quezon City.

Pinangunahan ni PRRC Executive Director Jose Antonio ‘Ka Pepeton’ E. Goitia at NCMF Secretary Saidamen B. Pangarungan ang paglagda sa nasabing MOU.

“With the Memorandum of Understan­ding that we are about to approve, I foresee the dawning of a prospe­rous, peaceful and enduring community relationship among Christians and Muslims, a relationship characterized by fairness, industry, and sy­nergy in all worthwhile endeavors,” pahayag ni Goitia.

Ikinasa ang makasaysayang pagkakaisa ng PRRC at NCMF upang matiyak ng pamahalaan ang kapakanan ng komunidad ng mga kapatid nating Muslim lalo na ang mga resettlement program simula sa u­nang bahagi ng operasyon hanggang sa tuluyang mai­lipat na ang mga ito sa pangunguna ng PRRC at pakikipagtulungan ng National Housing Authority (NHA) at iba pang local inter-agency committee.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy