Una sa Balita

Proyekto ni Congressman depektibo

By
0 1,262

Mukhang tinipid ang gastos sa proyekt­o ng isang mambabatas matapos na bumigay ito kahit isang taon pa lang ang nakalipas nang ito’y matapos.

Ito kasing si congressman, ayon sa nasagap na report ni Mang Teban, ay nagpagawa ng pedestrian overpass sa kanyang distrito upang malunasan ang pagsikip uman­o ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.

May kamahalan daw ang proyekto ni congressman dahi­l hindi lang hagdan ang ipi­nagawa nito, nagpakabit din siya ng elevator para magamit ng mga person with disabi­lity at yaong mga tamad umakyat.

Ang classic nito, matapos magawa ang overpass ay inabot lang ng ilang buwan ang paggamit ng elevator dahil tumirik na ito.

Napapaghalata tu­loy na kumita ang mambabatas sa ipinagawang proyekto dahil sa tinipid ang materyales gayung napakalaki ng budget nito.

Pintahan niyo na. Ang congressman na may depektibong proyekto ay nagbaba­lak daw na tumakbong alkalde ng kanilang lungsod. May letrang T sa kanyang pangalan as in Tambok o tabain siya.