Una sa Balita

Provisional fare increase sa jeepney sinisipat ng LTFRB

By
0 1,132

SA ikatlong quarter pa ng 2018 maaaring maibigay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang fare hike na hinihingi ng transport group subalit maaaring magbigay ng provisional fare increase ang ahensiya upang ba­hag­yang maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, mayroon namang kapangyarihan ang ahensiya para maglabas ng provisional order para sa fare increase upang matugunan ang panga­ngailangan.

Tumanggi naman si Lizada na ihayag kung magkano ang maaarin­g ibigay, sa katwirang kailangan pa itong dumaan sa pagdinig kung saan pakikinggan nila ang panig ng transport sector.

Itinakda ng LTFRB ang pagdinig sa Hunyo 13 at 26.

Sinabi ni Lizada na P8 sa unang 4 km and 1.50 kada kasunod na kilometro ang orihinal na pasahe habang ang hinihingi ng jeepney group ay P10 na regular rate P2 dagdag kada kilometro at mayroon pang rush hour rate na P1.

Aminado si Lizada na ingat sila sa pagtakda ng dagdag na pasahe sa jeep dahil sa 3.7M pasahero ang maaapektuhan nito kaya naman kinakaila­ngan nilang hingin ang rekomendaayon ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Kahapon ay muling nagtaas ang presyo ng produktong petrolyo, P1.60 ang dagdag sa kada litro ng gasolina, habang P1.15 naman sa kada litro ng diesel, at P1 sa kada litro ng kerosene.

Nagbabala na ang mga oil executive na maaaring pumalo sa $100 ang presyo ng bawat bariles ng crude oil mula sa kasalukuyang $80 kada bariles.