Una sa Balita

Provincial Food Council malaking tulong sa mga magsasaka sa NE

By
0 477

MALAKING tulong sa mga magsasaka ng palay sa Nueva Ecija ang bubuing Provincial Food Council (PFC) na mamamahala sa pamimili ng palay na aanihin ng mga lokal na magsasaka.

Sa idinaos na media forum ng Nueva Ecija Press Club Inc. noong Biyernes sa NEPPO Hostel, Cabanatuan City sinabi ni dating Gov. Aurelio ‘Oyi’ Umali na ito ang nakikitang ‘win-win’ solution sa gitna ng nakikinitang epekto ng Rice Tariffication Law.

Pinangangambahan na bababa nang husto ang presyo ng palay sa pagdagsa umano ng imported rice. Nangangamba umano ang mga magsasaka na magiging mura lang ang presyuhan ng palay.

Dahil dito, nilinaw ni Umali na isasagawa ng PFC ang progra­mang unang inilunsad sa kaniyang unang termino noong 2007, ang Ani sa Masaganang Uhay.

Nagsimula sa 50 hektarya kada distrito ang ginagawang pamimili ng palay sa presyong katulad sa ipinaiiral ng National Food Authority.

Muling tatakbo sa pagka-gobernador si U­mali bilang kahalili ng kabiyak na si incumbent Gov. Czarina ‘Cherry’ U­mali na tatakbo bilang 3rd district representative.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More