Una sa Balita

Provincial bus ban sa EDSA papasadahan ng Senado

0 2,206

IIMBESTIGAHAN ng Senado ang kontrobersyal na polisiya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagbabawal sa provincial bus sa EDSA.

Ayon kay Senadora Grace Poe, chairman ng Senate committee on public services, kaila­ngang marinig ang panig ng MMDA kung may nilabag bang batas ito kaugnay ng pagpapatupad ng MMDA Regulation No. 19-002 na nagbabawal sa provincial bus sa EDSA.

“Kailangang po talagang magpawatag ng pagdinig. Gusto kong marinig ang argumento ng DOTr at ng MMDA,” pahayag ni Poe sa pana­yam sa dzMM kahapon.
Ginawa ni Poe ang pahayag matapos sabihin ni MMDA General Manager Jojo Garcia na posibleng ituloy ang kanilang dry run ng provincial bus ban sa Agosto 6 o 7.

Pero ngayon pa lamang ay tila nagpahayag ng pagtutol si Poe sa naturang plano dahil ang maapektuhan aniya ng naturang polisiya ay mga mananakay na galing sa iba’t ibang lalawigan.

“Kasi dati gusto nila ilipat lahat ng mga terminal ng provincial sa labas na ng boundary ng EDSA. Magandang layunin ‘yan, kaya lang ‘yung transfer nga ang nagiging problema. Hindi naayos ‘yung pag­lipat do’n sa mga city buses,” sabi ni Poe.

“Ang mga naapektuhan din, ‘yun nga, ‘yung mga pinakamahihirap na sektor dahil sila ‘yung nagba-bus; kaya parang hindi makatao ‘yung paglilipat. Kaya lang pero noong una, naisip natin, makakagaan doon sa daloy ng trapiko,” dagdag pa nito.

“Para sa akin, kailangan talagang magkaroon ng pagdinig muli; kasi hindi lamang naman ‘yung mga, halimbawa provincial buses kung aalisin man, papaano na ‘yung ating mga pasahero, ‘yung mga mananakay,” ayon pa sa senadora. (Dindo Matining)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More