Una sa Balita

Proud Pinoy

0 440

Naku mga ka-Abante, ang hirap maka-move on sa opening cere­mony ng 30th SEA Games.

Hindi ko mapigilang maiyak habang ako’y nanunuod, ibang klaseng pakiramdam ang naging dulot nito sa akin, kinilabutan ako at talagang napatayo ako sa aking kinauupuan.

Hindi ako papayag na hindi maibahagi sa inyo ang experience ko na ito.

Nakakatuwa at talagang blessing na naging parte ako ng Abante at nabigyang pagkakataon na mai-cover ang events sa SEA Games, tila ba pakiramdam ko ay parte na rin ako ng history.

Personal kong nasaksihan ang world class performance ng ating mga kababayan, mapapa-taas noo ka talaga at mapapasigaw ng “Pinoy ako”.

Pinakita sa opening ceremony hindi lang ang ta­lento at galing ng Pinoy, maging ang ganda ng ating makulay na kultura ay angat na angat.

Mula umpisa ay kikilabutan ka na talaga dahil sa pinakita nila ang depenisyon ng isang Pinoy.

Values at culture talaga ang umangat sa performance, nakaka-proud talaga maging isang Pinoy.

Idagdag pa natin rito ang mahuhusay na performers,­ mula sa dancers, singers, ang magagandang beauty queens, talaga namang it’s more fun in the Philippines.

Nakakatuwa pa mga ka-Abante ay sa Bulacan ito nangyari, bilang isang Bulakenya ay mas lalo akong nakaramdam ng pride habang nanunuod, kasama pa sa naging performance ang singkaban.

Nu’ng makita ko ang paggamit nila ng singkaban ay mas lalong nanggilid ang aking luha, ang sarap sa pakiramdam, ang sarap maging Bulakenya, ang sarap maging Pinoy!

Sigurado akong lahat tayo ay nakaramdam ng Pinoy pride nang mapanuod ninyo ang opening cere­mony, hindi ka na lang siguro Pinoy kung wala kang naramdaman sa performance na ito. Hehe.

Hindi na kailangan pang pagtalunan ang mga negatibong nangyari mula nang mag-umpisa ang SEA Games, sa ganda ng ipinakita natin ay siguradong matatabunan na nito ang lahat ng naging hindi magandang usapin.

Idagdag pa natin diyan ang pangunguna natin sa medal tally.

Ibang lebel ng dominasyon ang pinakikita ng mga atletang Pinoy, dedikasyon, determinasyon at ang puso nila sa bawat laro ay talaga namang angat na angat.

Mas nakagagana nga namang maglaro at lumaban sa sarili mong bansa, ramdam at kitang-kita mo ang init ng suporta ng buong bansa, kaya talaga namang mas mainit na performance ang ilalabas ng ating mga atleta!

Sa lahat ng atletang pinoy, God bless sa inyo, makita pa lang namin kayo na lumalaban ng buong puso ninyo para sa Pilipinas at sa bawat Pilipino, daig pa nito ang kahit anumang medalyang ginto.

Laban Pilipinas!

Kasama ninyo kaming lumalaban, at patuloy kaming­ nagdarasal para sa inyong tagumpay!

Muli, patuloy po ninyong suportahan ang Sportalakan. Martes, 6pm. Salamat po. God bless!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy