Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Protocol pasaway sa NCR Plus higit 70K na

0 39

Tumaas na sa 70,603 ang mga indibidwal sa National Capital Region (NCR) Plus bubble na naitala ng Philippine National Police (PNP) na lumabag sa health protocol.

Ito ay sa kasagsagan ng muling papapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan kamakailan.

Sa press briefing sa Camp Crame kahapon, sinabi ni Police Major General Alfred Corpuz, director ng Directorate for Operations ng PNP, na sa naturang datos ay 54,195 ang sinita, 14,185 ang pinagmulta at 2,222 ang inaresto.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinakamarami sa paglabag ay hindi pagsusuot ng face shield, na sinundan ng hindi pagsusuot ng face mask.

Samantala, iniulat din ni Corpuz na 34,220 katao ang ‘denied entry’ o hindi nakatawid sa loob ng bubble. 24,500 aniya sa kanila ay inakalang sila ay authorized person outside of residence (APOR).

Pagdating naman sa curfew, 44,250 ang mga naitalang lumabag sa NCR Plus. Sa bilang na ito, 27, 763 ang nasita, 14,904 ang napagmulta, at 1,583 ang pinag-community service. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.