Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Protesta vs China ng Duterte admin 231 na – DFA

0 176

Umabot na umano sa 231 ang bilang ng mga diplomatic protest na inihain ng Pilipinas laban sa China mula 2016 hil sa pagiging agresibo nito sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ay ayon sa ulat ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Eduardo Meñez sa kanyang text message sa mga taga-media.

Aniya, ang nabanggit na bilang ay mga protestang inihain mula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte hanggang nitong Nobyembre 18.

Ang pinakahuling protestang inihain umano ng Pilipinas kontra China ay ang nangyaring pagharang at pagbomba ng water cannon ng ilang barko ng Chinese Coast Guard sa dalawang bangka ng Pilipinas na magdadala lamang ng supply sa Ayungin Shoal.

Kinondena na ng pamahalaan, maging ng ibang malalaking bansa, ang ginawang ito ng China.

Nakaraang Martes ay nakapagdala muli ng supply sa Ayungin Shoal ang puwersa ng ‘Pinas nang ‘di hinaharang ng mga Chinese. (Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.