Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Protektahan si Doggy sa nakamamatay na leptospirosis

0 116

Dear Fur Parents:

Kamusta na kayong lahat pagkatapos ng Bayong Ulysses? Sana ok na kayo, pati na rin ang mga Fur Babies nyo. Nag-aalala ako dahil tuwing bumabagyo, tumataas ang mga kaso ng Leptospirosis, hindi lang sa tao, kundi sa mga aso rin.

Ito ang aking research tungkol sa sakit na ito:

Ano ang Leptospirosis?

Ito ay bacteria na nagdudulot ng malubhang sakit. Nakukuha natin ito kapag may sugat tayong na-expose sa tubig-baha na kontaminado ng ihi ng daga. Ang bad news ay pati si Doggy ay maaring mahawaan ng Lepto kung siya ay nakainom o lumusong sa tubig-baha! Posible rin siyang mahawaan kung nakahuli siya ng daga.

Anu-ano ang mga sintomas ng Lepto sa aso?

Kadalasan, nakakayanan ng immune system ng aso ang Leptospirosis, ngunit hindi lahat ay gumagaling nang kusa. Kapag hindi ito nakayanan ni Doggy, makakaranas siya ng panghihina, depresyon, kawalan ng ganang kumain, pagkauhaw at madalas na pag-ihi. May posibilidad din na maging dilaw ang gilagid at mata niya. Kung hindi ito maagapan, maaring mamatay ang aso.

Paano natin sila mapro-protektahan?

Unang-una ay huwag nating pabayaan na ma-expose si Doggy sa tubig-baha. Pero kung hindi ito maiwasan, ang pinakamabisang proteksyon ay bakuna o Leptospirosis vaccine. Ito ay isang annual vaccine.

SM food to go Banner Ad

Ano ang dapat kong gawin kapag na-expose si Doggy sa baha o nakahuli ito ng daga?

Pumunta agad sa vet para magpa-konsulta. Ang antibiotic na ginagamit para sa prophylaxis o prevention ng Lepto ay ang Doxycycline. Maari itong ipainom sa aso bago pa lumabas ang sintomas.

Paano kung may sintomas na ang aking alaga?

Kadalasan, ang sintomas ng Lepto ay lumalabas 8 – 10 days after exposure. Kapag nakita mo ang mga sintomas, huwag nang mag-atubili; dalhin agad si Doggy sa vet. Madaling maagapan ang Lepto sa early stage. Pero kung malubha na ang kundisyon ni Doggy, kailangan siyang ipa-confine sa vet.

Alalahanin na ang asong nabakunahan na laban sa Leptospirosis ay maari pa rin mahawa, bagaman bihirang-bihira ito mangyari. Ang pinakamagandang gawin ay pumunta sa vet agad kung may sintomas si Doggy.

Maari ba akong mahawa sa isang asong may Leptospirosis?

Oo. Dahil ‘zoonotic’ ang sakit na ito, may posibilidad na mahawa tayo kapag may sugat tayong na-expose sa ihi ng isang asong may Lepto. Pero huwag po tayong matakot; maging hygienic lang po tayo kapag nag-aalaga ng asong may sakit.

Huwag po nating mamaliitin ang Leptospirosis; palaging mag-ingat po tayo sa baha!

Pawfectly yours,

Joyce

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.