Una sa Balita

Protektahan, patatagin ang pamilyang Pilipino

0 322

Nitong nakaaraang­ Miyerkoles idinaos natin ang ikalawang pagdinig sa usaping nakapaloob sa ating nai-file na Resolution­ No. 38 na naglalayong talakayin ang napapabalitang recruitment ng campus-based leftist groups, na affiliated­ sa komunistang New People’s Army, sa mga pangunahing colleges at universities sa buong bansa.

Una sa lahat, nais nating­ bigyan diin na ang layunin ng pagdinig na ito sa ilalim ng Committee­ on Public Order and Dangerous Drugs na ating pinamumunuan ay protekhanan at patatagin ang pinaka-basic unit ng ating lipunan­, ang pamilyang Pilipino. Bilang inyong senador at isang magulang din, naniniwala akong responsibilidad ko ito sa bawat Pilipino.

Ang ating ­pagdinig ay nag-ugat sa ­boluntaryong pagpunta ng mga magulang­ sa aking ­opisina para humingi ng tulong. Ito ay ‘in aid of legislation’ na inaasa­hang magiging daan upang tayo ay makapag-balangkas ng mga epektibong­ batas para sa pakinabang ng bawat Pilipino. Ito ang aking mandato ­at responsibilidad­.

Pagkalipas ng dalawang­ pagdinig at mula mismo sa pahayag ng mga resource person, ating napatunayan ang mga sumusunod: 1. Aktibo ang campus-based leftist groups sa kanilang recruitment kahit­ walang pahintulot ng school officials at magulang ng kanilang recruits na karamihan ay menor de edad.

2. Isinasalang ng mga nabanggit na leftist organizations ang kanilang recruits sa rallies, community immersions at group studies nang walang pahintulot ng kanilang mga magulang. 3. Base sa pahayag ng mga magulang, malaki ang ipinagbago sa ugali ng mga bata matapos umanib sa leftist groups, sila’y na­ging agitated at hateful lalo na sa gobyerno. Ang iba naman ay naging paranaoid na palagi silang sinusundan ng government security forces. 4. Ang mga na-recruit na estudyante ay ­lumalayas mula sa kanilang taha­nan at iniiwan ang kanilang mga pamilya, bagay na nakapagdulot ng pasakit sa damdamin ng mga magulang. ­5. Ang pangunahing layunin ng mga rebeldeng grupo ay ­pabagsakin ang gobyerno.

Related Posts

Tulad ng aking palaging­ sinasabi, hindi­ matatawaran ang pagmamahal­ ng magulang sa kanyang anak. Nakadudurog­ ng damdamin ang makitang­ tumatangis ang mga magulang na ang hangad lang ay makapiling ang mga anak. Ito ang nagbunsod sa atin upang personal na umapela sa mga leader ng ­leftist organizations na ­pabayaan nila ang mga bata na makapiling muli ng kanilang magulang. Hindi ba’t kayo ay magulang din? At sa mga wala pang anak, tandaan ninyo, magi­ging magulang din kayo!

Gagawin natin ang lahat ng ating makakaya para mawakasan ang problemang ito.

***
Nagimbal tayo sa ­balitang pagpanaw ni Mam Regina Paz L. Lopez. Kilala si Ma’am Gina bilang ‘passionate’ environmental ­advocate at tagapagsulong ng kapakanan ng mga bata. ‘Di matatawaran ang kanyang dedikasyon upang isulong ang mga advocacies na ito. Hindi namin malilimutan ang iyong mga nasimulan Ma’am Gina. Lubos akong nakikiramay sa pamilya Lopez, mga kaibigan­ at nagmamahal kay Ma’am Gina.

My one last snappy salute sa’yo Ma’am!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy