Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Protektahan ang inyong mga anak – NICA chief

0 63

NAGBABALA kahapon ang National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF- ELCAC) sa mga magulang na protektahan ang kanilang mga anak na ngayon ay target ng mga komunistang-teroristang Communists Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na isama sa kanilang mga rally.

Sa espesyal na edisyon ng NTF-ELCAC pulong balitaan, sinabi ni National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Alex Paul Monteagudo, na may mga nakalap silang ‘intelligence reports’ na ang mga rally ay inoorganisa ng CPP-NPA-NDF para maghasik ng kagulugan sa pagkaka-boto sa bagong liderato ng bagong liderato ng pamahalaan.

“Ang layunin ng mga komunistang-terorista ay magkaroon ng ‘crisis situation’s’ na mapagtagumpayan nila,” paliwanag ni Monteagudo.

Kanya rin binalaan ang kampo ni Vice President Leni Robredo na huwag magpagamit sa CPP-NPA-NDF na inutusan ng kanilang founder sa pamamagitan ng Central Committee ng grupo na magsagawa ng mga rally bilang protesta sa mga bagong halal na politiko.

Si NTF-ELCAC acting spokesperson on Legal Affairs, na si Prosecutor 2, Flosemer Chris Gonzales naman ay nagpahayag na respetuhin na ang boses ng nakararami o ang “voice of majority” at kailangang magkaisa at magkasundo na ang lahat sa natapos na proseso ng halalan.

Pinaalalahanan din niya ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak at huwag hayaang malinlang ng mga nagpapanggap na mga “human rights defenders.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.