Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Proteksyon sa beki, tibo hindi kasalan pinu-push ni Pope Francis

0 124

Iginiit ng isang retiradong obispo ng Simbahang Katolika na hindi iniendorso ni Pope Francis ang same sex marriage.

Sinabi ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. , hindi isinusulong ng Santo Papa ang same sex marriage kundi ay nanawagan siya ng isang law of civil union na magbibigay proteksyon sa dignidad bilang tao ng mga homosexuals at makatitiyak sa kanilang mapayapang pamumuhay sa lipunan.

“It is not an endorsement of same sex marriage what he [Pope Francis] asks to be created is a law of civil union which will protect the dignity of even homosexuals, that’s the shortest summary what he is asking for is a law of civil union which will protect the dignity of homosexual also and allow them to live in society in peace,” ayon kay Bishop Bacani sa panayam sa church-run Radio Veritas.

SM food to go Banner Ad

Nilinaw ng Obispo na ang tanging nais na mangyari ng Santo Papa ay patuloy na mahalin at bigyang ng proteksyon ang mga homosexual na pawang mga anak rin ng Panginoon.

“Hindi ini-endorso ng Papa ang same sex marriage definitely not at basahin ang Amoris Laetitia number 52, number 250 at number 251 ito hindi interview, official document ni Pope Francis nagsasaad ng katuruan ng Simbahan at turo ni Pope Francis yun din ang turo ng Synod of Bishops na kanyang tinipon mga about 5 years ago tinipon niya ito,” ani Bishop Bacani

Nanindigan ang mga opisyal ng Simbahang Katolika na “taken out of context” lamang ang mga pahayag ni Pope Francis. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.