Una sa Balita

Proteksyon para sa mga BPO worker

By
0 317

Mahigit 1.3 mil­yon na po ang bilang ng mga manggagawa sa business process outsour­cing o BPO industry.

Outsourcing po ang tawag sa mga trabahong mula sa mga kompanya sa abroad na dinadala sa Pilipinas para gampanan ng mga Pinoy worker.

Sa taong 2022, tinatayang aabot po sa 38.9 bilyong dolyar ang kita mula sa BPO at magbibigay naman ng trabaho sa 1.8 mil­yong Pilipino.

Para makamit natin ito, importante pong tiyaking malusog at nababantayan ang karapatan ng mga call center agent, trans­criptionist, animator, software developer, at iba pa.

Sa pag-aaral po noon ng International Labor Organization (ILO) at UP Population Institute, napag-alamang 47.7% ng BPO workers ang nakakaranas ng insomnia habang 54% naman ang may fatigue o panghihina ng katawan.

Karamihan po kasi ng mga empleyado sa BPO ay nagtatrabaho sa gabi o graveyard shift kaya’t dapat pong tiyaking may access sila sa regular na medical check-up at treatment.

Ayon sa DOH, mataas po ang risk ng mga call center agent na magkaroon ng diabetes, cardiovascular at mental health diseases dahil na rin sa stress na kaugnay ng kanilang trabaho.

Bagama’t tila napapanahon na po para taasan ang 10% night shift differential na tinatanggap ng mga BPO worker, kailangan pa po nito ng masu­sing pag-aaral dahil sa posibleng epek­to nito sa competitiveness ng BPO industry sa bansa.

Related Posts

Samantala, malaking bagay po ang sinusulong nating “Telecommuting Act” na pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang para ganap na maging batas para sigu­ruhin ang work-life balance ng mga BPO worker.

Mahalaga din po ang skills upgrading para makasabay ang mga BPO worker sa mabilis na pagbabago ng klase ng trabaho sa BPO.

Pangamba po ng mga eksperto na may 50,000 low skilled jobs sa BPO ang mapapalitan ng mga robot o artificial intelligence sa mga susunod na taon.

Ang magandang ba­lita, ilang hakbang na lang ay maisasabatas na rin po ang ating panukalang “Tulong-Trabaho Act” na tiyak na magbibigay ng dagdag na kakayahan sa mga manggagawa sa BPO.

Tinatawag pong “sunshine industry” ang BPO dahil sa malaking ambag nito sa ating ekonomiya at pagbibigay nito ng magagandang trabaho sa ating mga kababayan.

Makakaasa po kayong patuloy tayong uukit ng mga panukalang batas para proteksyunan ang mga BPO worker at mapa­natili ang Pilipinas bilang “BPO capital of the world”.

Job Fair Schedule:

Masskara Job Fair – Bacolod Arts and Youth Center Bacolod City (Oktubre 14)
Job Caravan and Business Fair – San Isidro Gymnasium San Isidro, Bohol (Oktubre 17)
PESO Valenzuela Job Fair – 3S Covered Court, Gen. T. de Leon Valenzuela City (Oktubre17)
Unug-og Festoval Job Fair and Skills Demo – ABC Gymnasium, Oroquieta City Misamis Occidental (Oktubre18-19)
Bespren Job Fair – Ro­binson’s Place Mabino, Santiago City, Isabela (Oktubre 19)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy