Una sa Balita

Proteksyon ng mga OFWs hinirit ng Pinas

By
0 32

Umapela ng tulong ang pamunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga kaal­yadong bansa na tiyakin na nabibigyan ng proteksyon at karapatan ang mga migranteng manggagawa sa buong mundo.

Sa ginanap na pagpupulong ng Committee on Labor Migration, isang pangunahing komite ng International Labor Conference (ILC) sa Geneva noong nakaraang linggo, binigyang-diin ni Labor Undersecretary Ciriaco A. Lagunzad III ang kaha­lagahan na mabigyan ng tiyak na proteksyon ang mga migranteng manggagawa sa mga kaal­yadong bansa.

“Ang mga kaalyadong bansa natin ay may moral na obligasyon na tiyakin na ang mga migranteng manggagawa ay magkaroon ng ligtas at disenteng trabaho kahit saan o ano man ang sitwasyong kanilang kakaharapin,” sabi ni Lagunzad, kinatawan ng Pilipinas sa Geneva Conference.

Idinagdag pa nito na ang pakikilahok ng iba’t ibang sektor ay mahalaga upang makabuo at maipatupad ang mga polisiya at programa kaugnay sa migrasyon.

Nagsagawa rin ng pulong ang ibang komite kabilang na ang Committee on the Fundamental Principles and Rights at Work na tumalakay sa freedom of association, right to collective bargaining, elimination of forced labor, pag-abolish sa child labor, at ang pag­lusaw sa diskriminasyon sa trabaho.

Iniulat naman ni Undersecretary Joel B. Maglunsod, kinatawan ng Pilipinas sa panel meeting, ang Eight-Point Labor and Employment Agenda ng kasalukuyang administrasyon na nag­lalayong makamit ang inclusive development at labor justice.