Una sa Balita

Proteksiyunan, ‘wag maliitin ang mga Pinoy worker – Diokno

By
0 422

NANAWAGAN ang kandidato ng Otso Diretso na si Chel Diokno na magkaroon ng sapat na proteksyon para sa mga manggagawang Pilipino sa halip na maliitin sila at tawaging tamad ng iilang opisyal ng administrasyon.

Ito ay matapos bansagang tamad ni Special Envoy to China na si Mon Tulfo ang mga empleyadong Pilipino bilang depensa sa pagkuha ng mga manggagawa mula sa Tsina.

Tulad din ng ibang kandidato ng Otso Diretso, umalma si Chel, isang respetadong abogado, sa pahayag ni Tulfo at diniin na maling tawaging tamad ang mga Pilipino.

“Hindi tamad ang mga Pilipino. Galing lang ako ng Hong Kong, may kausap akong isang Pinoy doon na umalis ng bayan nu’ng mga 1980s pa bilang isang OFW. Ngayon e siya’y isang namumuno sa isang cons­truction company,” ani Chel.

Sa katunayan, sinabi ni Chel na obserbasyon ng karamihan sa Hong Kong na mas mahusay magtrabaho ang mga Pilipino kumpara sa mga manggagawang Tsino.

Hinikayat din ni Chel ang pamahalaan na magkaroon ng kongkretong solusyon sa kawalan ng trabaho sa bansa, lalo na para sa mga kabataan.
Dagdag ni Chel, dapat daw ay tingnan ng administrasyon kung papaano pa mapapayabong ang ekonomiya ng bansa, hindi lang para sa mga mayayamang negosyante kundi para din sa pagpapaganda ng buhay ng mga mahihirap.

Kasama din ni Chel sa Otso Diretso sina Senator Bam Aquino at Magdalo Congressman Gary Alejano; ang mga nagbabalik na lingkod-bayan na sina dating senador Mar Roxas at dating congressman Erin Tañada; at ang mga bago ring sasabak sa politika: ang dating solicitor general na si Florin Hilbay, beteranong abogado na si Atty. Romy Macalintal at da­ting ARMM assemblywoman na si Samira Gutoc.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy