Una sa Balita

Proteksiyon sa atleta, hinain ni Puno

0 198

‘DI na maaring balewa­lain na lang ang isang atleta, professional team, educational institution at sports organization para katawanin ang bansa sa mga international sports competition at kailangang­ pasiglahin ng estado ang sports

Sa inihaing House Bill No. 211, o mas kilalang ‘Athletes’ Right to Represent the Philippines Act’, ni Antipolo City 1st District Rep. Roberto ‘Robbie’ Puno.

Sakop ng HB 211 sa 18th Congress, na bawat atletang kasama sa kahit anong athletics association, sports organization, mapa-amateur man o pro.

Kasama sa mga paglabag para sa educational institution, NSA, o pro organization ang ‘di pagpayag sa kanilang atleta na sumali sa tryout sa mga international competition, pag-ipit sa scholarship ng isang student-athlete, markahang absent ang isang estudyanteng atleta sa kasagsagan ng national team training o try-out, pagpapatalsik o suspinde sa isang athlete na kinukunsidera sa pool, pagpigil sa promotion, at iba pang kaparusahan.

Kapag napatunayan ng Philippine Sports Commission, Games and Amusement Board, Department of Education o Department of Labor and Employment ang pag­labag ay pagmumultahin ng abot sa P100,000 hanggang P1M, o posibleng pag-revoke ng lisensya sa asosasyon.

Sapul dito ang University Athletic Association of the Philippines na talamak na ayaw ipahiram ang kanilang mga atleta para sa bansa at inu­una pa ang kapakanan ng walong eskuwelahan lang nilang liga. (RMP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy