Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Prosper sakit sa ulo ng Gilas

0 54

NAGBANTA ang dating PBA import at isa na ngayong naturalized player ng Indonesia national team na si Lester Prosper na nakahanda siya sa Gilas Piliipinas sa ikalawang pagtutuos sa 30th International Basketball Federation Asia Cup Qualifiers third and final window sa Clark Freeport sa June 19 .

“I am ready to stand on the ground in matching up with whomever Gilas brings to the middle,” giit ng 32 taon, 6-9 ang taas na center na naglaro noong 2019 sa San Miguel Beer at Terrafirma.

Pinatutungkulan niya sina 7-foot-3 Kai Zachary Sotto at 6-9 si Angelo Kouame sa rematch ng dalawang team pagkaraang tambakan ng Nationals ang Indonesian noong February 23, 2020 sa Jakarta, 100-70.

SM food to go Banner Ad

Nagkasama sina Prosper at Sotto sa Miami. Nagbalik si Sotto sa Cincinatti mula sa Miami habang si Propser ay aalis ng Miami sa May 27 para muling makasama ang Indonesians sa Jakarta.

Ang PH-Indon game ang isa sa tatlong laban ng Pinoy quintet sa four-day event na driribol sa June 16-20 sa Pampanga. (Angelito Oredo)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.