Una sa Balita

Prosper ro-road test ni Jones, TNT KaTropa tatalupan

0 261

Mga laro ngayon:
(Cuneta Astrodome)
4:30 pm – TNT vs. Columbian
7 pm – SMB vs. Alaska

IRO-ROAD test ni Terrence Jones at ng TNT KaTropa si Lester Prosper ng Columbian Dyip sa first game ng PBA Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome mamaya.

Pagkakataon ni Prosper na patunayan na may ibubuga siya sa depensa, tulad ng inaasahan sa kanya ni coach Johnedel Cardel.

Hahabulin ng Dyip ang pangalawang panalo sa pang-anim na laro.

Sa kabilang banda, tatangkain ng KaTropa na umangat sa 7-1 para kalasan ang NorthPort at solohin ang tuktok.

“I’m not here to just come for a day or two and leave. I understand it’s a process,” ani Prosper, ipinalit kay Kyle Barone. “We gotta trust our process.”

Tumukod ang Dyip 110-103 sa Magnolia sa unang­ laro ni Prosper noong Linggo, nag-debut ang State University of New York at Old Westbury product sa tono ng 26 points at 14 rebounds, 11 of 20 mula sa field sa loob ng 42 minutes.

“I did my job, I did what I had to do,” dagdag ng 30-anyos na kaliweteng center. “We gotta do a better job of communication and playing together, but my debut is cool, you know?”

Kailangan ni Prosper ng responde ng locals kina CJ Perez, Rashawn McCarthy, at Jackson Corpuz.

Malalaman mamaya kung ‘better’ na ang tubong Dominican Republic na import laban kay Jones, eksplosibo sa average na 33.86 points, 15.71 rebounds, 6.29 assists per game. Nagsumite ang dating Houston Rocket ng 49-point, 18-rebound game sa 104-91 paglampaso sa Meralco noong Sabado.

Balik na rin sa TNT si Jayson Castro, ikinasal noong Sabado kaya hindi nakalaro. Maangas din ang pinapakita nina RR Pogoy, Troy Rosario at Don Trollano. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy