Una sa Balita

Proseso ng procurement bibilis sa e-power — Tolentino

0 288

By Dindo Matining

MAPAPABILIS diumano ang procurement process sa oras na mabigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para masolusyunan ang krisis sa trapiko sa Metro Manila at ilang matataong lugar sa bansa.

Ayon kay Senador Francis Tolentino, sa ilalim ng kanyang Senate Bill 213, nakapaloob doon na mapapabilis ang mga proseso at mga proyektong may kinalaman para maresolba ang trapik sa bansa sa oras na pagkalooban ng emergency powers ang Pangulo.

“‘Yung normal course of things niyan ay aabutin ‘yan ng limang taon bago makarating ng NEDA Board approval ‘yan. Ito ngayon ay mapapabilis,” pahayag ni Tolentino sa panayam sa DZBB kahapon.

“Sa bidding, nandun pa rin ‘yung pro­seso pero hindi na ganun ka-rigorous. Pero subject pa rin sa Commission on Audit rules and regulations para ma-expedite,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng panukala ni Tolentino, la­yon nitong bigyan ng emergency powers ng dalawang taon si Pangulong Duterte para matugunan ang problema sa trapik sa Metro Manila, Cebu, Davao City, Cagayan de Oro at iba pang mga urban area sa bansa.

Nakasaad din sa kanyang panukala tungkol sa pagsasaayos ng iskedyul ng oras ng klase at trabaho.

“Kasama na rin ‘yung pagbabago ng schedule ng classes, ng pagpasok sa trabaho, pribado man o pampubliko, pagkakaroon ng flexible working hours. Kasama ‘yun sa pag-aamyenda,” ani Tolentino.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy