Una sa Balita

Prosecutor tinambangan sa Mindoro, kritikal

0 282

INUTOS na ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa tangkang pagpatay sa isang provincial prosecutor kahapon nang umaga sa Calapan, Oriental Mindoro.

Sinabi ni Department of Justice Undersecretary Mark Perete, natanggap nito ang ulat na pinagbabaril ng hindi pa kilalang suspek si Oriental Mindoro Provincial Prosecutor Josephibe Caranto-Olivar habang papasok sa kanyang bahay pasado alas-nuebe nang umaga.

Nagtamo umano ng limang tama ng bala ang biktima kung saan dalawa sa ulo at tatlo sa iba’t ibang bahagi pa ng katawan.

Nasa kritikal na kondisyon umano ang biktima at isasailalim sa operasyon.

“The Department calls on our law enforcement authorities to investigate this incident that those responsible may be held to account before the law,” ayon kay Perete.

Humiling rin ng panalangin ang DOJ para sa kaligtasan ni Olivar at ng kanyang pamilya. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy