Una sa Balita

Propesor ng SLSU suspendido sa graft

By
0 2,762

PINATAWAN ng Sandiganbayan ng 90 araw na suspensiyon ang propesor ng Southern Luzon State University (SLSU) na si Susana Salvacion dahil sa paglabag sa Section 3(e) at (h) ng Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).

Kaugnay ang kaso sa pagbigay umano nito ng pabor sa Nurmed Hyperlearn Review and Tutorial Services (Nurmed), isang kompanyang kanyang pag-aari sa pamamagitan ng pagpakilala nito bilang alternative review facility sa SLSU students gayundin ang paggamit ng pasilidad ng SLSU College of Allied Medicine bilang venue para sa review classes na walang anumang permit o contract.

“Section 3(e) of R.A. No. 3019 prohibits any official or employee from causing any undue injury to any party, including the government, or gi­ving any private party any unwarranted benefits, advantage or preference in the discharge of official function through manifest partiality, evident bad faith or gross inexcusable negligence,” ayon sa Sandiganbayan.

Kaalinsunod sa Section 13 ng R.A. No. 3019 ay nakasaad na sinumang incumbent officer na may sumailalim sa criminal prosecution ay nararapat na suspendihin.

Dahil dito, inutos ng anti-graft court na tigilan na ni Salvacion ang pagganap nito ng kanyang tungkulin habang suspendido.