Una sa Balita

Property gain tax sino ang dapat magbayad?

0 461

Dear Atty. Claire,

Good day po! Ako po ang naatsan ng aking pinsan. na nakatira po sa US na magbenta ng lote nila dito sa Antipolo. May buyer na po at ang tanong ng buyer kung sino po ang magbabayad ng property gain tax?

120 sq m po ang lupa at nagkasundo ng ibebenta ng 10k per sq.m. Ano-ano po ang iso-shoulder ng owner na tax at ano po ang iso-shoulder na tax ng buyer. Nakapagbayad na po kami ng amilyar hanggang ngayong 2020.

Maraming salamat po. God bless!

Anthony G.
From Antipolo City

Dear Mr. Anthony,

Depende po ‘yan sa magiging ­kasunduan nila. Puwede ­naman bayaran lahat ng buyer kung mura naman ibebenta sa kanya o puwede rin naman sagutin lahat ng seller.

Pero kung nais nilang paghatian ang gastos…puwede ­silang magkasundo na ang gastos sa pagpapagawa ng Deed of Sale at notarial fee at ang capital gains tax ay sasagutin ng seller. Kasama na rito ang pagbayad ng buo sa amilyar para magkaroon ng Tax ­Clearance.

At ang lahat ng mga gastusin ay sa buyer na…tulad ng documentary stamp tax, transfer tax, pagpaparehistro sa Register of Deeds.

Ang lahat ng ­bayarin ay depende sa magiging usapang parties.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang ss 8922 0245 o 85142143 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com.

Please subs­cribe to Atty. Claire Castro youtube channel and learn more about laws and jurisprudence.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More