Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Promotor ng bastos na module panagutin – Gatchalian

0 42

Papanagutin ang gumawa at nag-apruba ng self-learning module na gumamit ng malaswang salita.

Ito ang panawagan ni Senador Win Gatchalian matapos madiskubre sa isang module ang malaswang paglalarawan sa aswang.

Pinuna ang naturang module ng Department of Education (DepEd) sa isang pagdinig ng House committee on public accounts kung saan ginamit ng module ang malaswang salitang kasingkahulugan ng pakikipagtalik.

Ayon kay Gatchalian, sinadya ng gumawa ng module ang paggamit sa naturang salita dahil malinaw ang ibig sabihin nito at hindi angkop sa mga mag-aaral.

Ngunit ang mas nakakadismaya para sa senador ay nakalusot pa rin ang naturang module sa quality assurance ng DepEd. Kaya naman iginiit ni Gatchalian na dapat panagutin ang mga sangkot sa paggawa at pag-apruba ng naturang module.

“Makikita nating bigo ang sistema. Dapat natin itong imbestigahan at panagutin ang mga nagpapatupad ng quality assurance. Mahalaga ring matukoy natin kung sino ba ang sumulat sa module na ito,” pagdidiin ni Gatchalian.

Nauna nang sinabi ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, binawi na ang module noong Pebrero at naiwasto na ng school division. Ang module ay ginamit ng mga mag-aaral na grade 10 sa Pampanga para sa second quarter. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.