Una sa Balita

Promosyon???

By
0 538

Hanggang ngayon ay marami ang nagtataka sa na­ging aksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Customs Commissioner Isidro Lapeña.

Sa halip kasi na sibakin at kasuhan sa mahigit sa P6 na bil­yong pisong halaga ng shabu na naipuslit sa Customs, itinalaga ito sa TESDA na isang cabinet rank position.

Sa tingin ng publiko, ito ay promosyon.

Mabuting abangan na lang natin sa susunod na araw ang susunod na hakbang ni Duterte. Sa ngayon, alam na niya ang lawak ng pananagutan ni Lapeña na ‘di dapat na ipagkibit-balikat na lamang.
Lord, Kayo na po ang bahala.

***

BALITAWIT
HAYOP NA COMBO (Yoyoy Villame)

Tawanan sa aming baryo
Sa customs ay nagkagulo-gulo
Ang kanilang mga instrumento
Tila luma lusot ang shabu
Si Comm ay inuubo-ubo
Statement niya ay pabagu-bago…
Operator ay mga gago
Taga sipat ay sira-ulo

Ang x-ray tila Kalawangin
Barado at walang mapansin…
Container yupi-yupi na rin
Kay dalas check out at check in
Nagalit ang mga barangay
Ang customs kanilang inaway
Dahil sa kanilang bantay
Na walang kabuhay-buhay

Ipinalit sa hayop na Comm n’yo..
Lihim niya ay kay baho
Buti pa nga raw ang aso
Naaamoy latak ng shabu
Pero ang pasimuno
Manok yata ng palasyo..
Ayos din nakupo o Diyusko
Sa kumpas ng hayop na Comm n’yo !!!

Nag-rock en roll ang mga tanga
Nag-chacha nalipat sa TESDA..
Nagalit si Pangulong Digong…
Sa mga tao niyang gunggong..
Palakpakan ang su­rot at ipis
Bakit ‘di pa siya na-dismiss

Ayos din nakupo oh Diyusko
Ayos din ang aming disko
Sa kumpas ng hayop na Comm n’yo !
Ayos din nakupo Oh Diyusko
Sa kumpas ng hayop na Comm n’yo !

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy