Una sa Balita

‘Promise…’, Kinabog ang ‘Haplos!’

0 5

Tinutukan agad ng mas maraming Pilipino ang pag-uumpisa ng kwento ng walang hanggang buhay at pag-ibig sa The ­Promise of Forever na pinagbibidahan nina Ejay Falcon, Ritz Azul, at Paulo ­Avelino, kaya naman namayagpag ito sa TV ratings sa buong bansa at tinalo ang ­katapat na programa.

Nagkamit nga ang pilot episode noong Lunes (Sep 11) ng serye ng ­national TV rating na 18.4%, kumpara sa katapat nitong Haplos (15.6%), ayon sa datos ng Kantar Media.

Nagpatuloy din ang suporta ng manonood sa serye hanggang Martes (Sep 12) at nagkamit ng 18.1% laban sa 16.7% ng karibal na programa.

Naging patok din sa netizens ang pagsisimula ng palabas matapos ­nitong manguna sa listahan ng trending topics sa social media at umani ng libo-libong tweets sa Twitter sa unang dalawang araw ng pag-ere nito.

Sabi ni @Sandiefandalio1, “First episode pa lang markado na agad! For sure maraming mag-aabang nito, at isa na ako dun.”

“Pilot episode pa lang umiiyak na ako. Masakit! Kaya mo ‘yan, ­Sophia,” tweet naman ni @aatazmania.

“Umpisa pa lang kita mo na agad ang kalidad. Good job, direk and to all the staff,” pagbabahagi naman ni @melvillaflor26.

Ipinakilala ng The Promise of Forever sa mga manonood si ­Lorenzo (Paulo Avelino), ang ‘immortal man’ na ngayon ay kilala na bilang ­Nicolas.

Natunghayan din ang buhay ni Sophia (Ritz Azul) at ang ­pangarap niyang maging seawoman upang makatulong sa kanyang pamilya.

At ngayon ngang nakatakda nang magkita ang dalawa sa­ ­pagsampa nila ng barko patungong Europe, agad nga kaya nilang makilala ang isa’t-isa?

Maging daan na nga ba ito sa muli nilang pagkakalapit? Maging ­balakid kaya ang pag-ibig ni Philip (Ejay Falcon) sa kanilang tadhana?