Una sa Balita

Promding politiko laging naka-Louis Vuitton

By
0 420

Sino daw itong politiko ang lagi na lang nakaporma kapag umaalis ng kanyang bahay?

Mula ulo hanggang paa, iisang brand lang daw ang sinusuot ng politiko.

Nabisto ni Mang Teban na mula sapatos hanggang sombrero, puros LV o Louis Vuitton ang tatak ng kanyang ginagamit.

At take note, hindi siya taga-Metro Manila kundi sa malayong lugar sa Mindanao as in habang nag-iimbak ng armas ang mga rebelde doon, mga LV naman ang iniimbak ng politikong ito.

Hindi nga mawari kung saan pinupulot ng politiko ang perang pambili ng mga signature brand kaya’t napapakamot na lang ang ibang tao sa kanya.

Pintahan nyo na. Ang politiko na laging naka-LV ay may mataas na ambisyon sa buhay. May letrang M sa kanyang pangalan as in Madatung.