Una sa Balita

Proklamasyon ng 12 senador, mga party-list nabitin sa atrasadong COC

0 195

3 puwesto sa Senado kritikal sa boto mula US

INATRAS ng Commission on Elections (Come­lec) ang proklamasyon ng mga nanalong senador at party-list kahapon habang hinihintay ang certificate of canvass (COC) ng overseas absentee voting (OAV) mula sa United States.

Ang pahayag ay ginawa ni Comelec Director James Jimenez sa press briefing ng poll body kahapon.

“I’m very sorry to disappoint everyone, but it looks like today is not the day,” ani Jimenez.

Sinabi pa ni Jimenez na hindi mangyayari ang pormal na proklamasyon ng mga nanalo kahit na ang hinihintay na lamang ay ang natitirang COC dahil ang bilang ng mga re­histradong mga absentee voter sa US ay mahalaga sa final three spots sa pinag-aaga­wang puwesto sa Senado.

Binigyan-diin pa ni Jimenez na nakatakda pa lamang i-transmit ng Philippine Embassy sa Washington D.C. ang resulta ng OAV sa buong US habang nakaantabay sa resulta ng eleksyon mula sa konsulado sa Los Angeles bago ipagpatuloy ang canvassing.

Inaasaan ng Come­lec ang full transmission ng mga canvassed result mula sa embassy sa Washington D.C. alas-otso nang gabi ng May 21 (Manila time).
Mayroong 228,472 registered absentee voter sa United States at sapat na bilang para mabago ang final outcome ng puwesto particular sa pagitan nina Senator Nancy Binay at JV Ejercito.

Base sa partial at official result ng Come­lec nitong Mayo 20, 8:30 p.m. ay pang-12 si Binay na may botong 14,484,839, sinundan ni Ejercito na may botong 14,281,173 — may diperensiyang 203,666 boto. (JC ­Cahinhinan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy