Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Proklamasyon ng 12 senador limitado sa pamilya

0 81

Tuloy na ang proklamasyon ng 12 nanalong senador at partial proclamation ng mga nagwaging party-list sa Miyerkoles, sa Philippine International Convention Center sa Maynila.

Ito ang inihayag ni Commission on Election (Comelec) Commissioner George Garcia at iginiit na lima lamang ang maaring isama ng mga nagwaging senador, kabilang ang kanilang documentation officer.

Gayundin ay kailangan magsumite ng vaccination card ang mga senador at kanilang mga kasama.

Samantala hindi naman maipoproklama ang mga party-list dahil kinakailangan pang hintayin ang resulta ng election sa Lanao del Sur.

Posible umanong makaapekto sa boto ang magiging resulta ng halalan sa Mayo 24.

Nabatid na sa natapos na halalan ay patuloy na nanguguna ang aktor na si Robin Padilla na sinundan ni Antique Rep. Loren Legarda. (Juliet de Loza-Cudia/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.