Una sa Balita

Profiling ng Dengvaxia cases sa Calabarzon umarangkada

By
0 114

NAGSASAGAWA na ang Department of Health (DOH) ng profiling ng Dengvaxia cases sa iba’t ibang lalawigan sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon).

Ito ay para matunton ang lokasyon ng mga Dengvaxia vaccine reci­pient at makapag-establisa ng post vaccination baseline database na magagamit nila sa monitoring ng health status ng mga pasyente.

“The profile of the recipients and their sche­duled physical examination will generate evi­dence-based intervention needed for their eva­luation. An individual’s health profile is important to manage the health information that will include a comprehensive summary of their medical or health history. This must include personal health history, medical conditions, medications and emergency contact information. It will help health workers to clearly organize critical information of e­very Dengvaxia vacci­nee,” ayon kay Regional Director ­Eduardo C. Janairo.

Nalamang mahigpit na regular nang mino-monitor ng regional office ang mga Dengvaxia recipient upang mapagkalooban ang mga ito ng kinakaila­ngang medical support.

Nagtalaga rin sila ng parent leaders sa iba’t ibang lalawigan para magbigay ng karagdagang suporta sa reporting at mo­nitoring ng mga vacci­nee sa kani-kanilang lugar.