Una sa Balita

Prodyuser umalma sa sandamakmak na problema

0 628

abante-i-know-better-jun-nardoTinugunan ni Roselle Monteverde ang hinaing ng isang blogger (Oggs Cruz @oggsmoggs) sa ginagawa ng mga sinehan ngayon sa mga pelikulang ipinalalabas sa kanilang cine­ma.

“I don’t understand the intelligence behind our cinemas’s decision to retain and remove titles. They have the underperfor­ming Bato in Market Market for two weeks while they removed Elise after a single day,” tweet ni Oggs.

Reply ni Roselle sa tweet ni Oggs, “For clarification @oggsmoggs, the cinemas dictates what the movies they want to show and sadly even on the first day 75% of the cinemas gi­ven to Elise shares screentime or what they terms “slides” with other movie. So the full potential will not happen. This is the scenario since 70s.”

Sinundan niya ito ng tweet kung saan naka-tag din si Direk Joey Reyes ng, “So much time has been wasted because no efforts in abandoning old ways and test possible solutions such as moving the opening day to Friday. If weekday opening is not working then try and test a solution and not sit on something that doesn’t work.”

Sa totoo lang, isa rin sa problema ng movie industry ang pagkakaroon ng sinehan para sa pelikulang ipalalabas. Kung hindi malalaki ang artistang bida sa movie, hirap ang mga producer na makakuha ng playdate. Mabigyan man ng playdate, problema naman ang sinehan.

Pero kahit may playdate naman eh limitado naman ang pagtatanghalan nito. And worst, kapag hindi kumita sa unang dalawang araw, either pull out o limited ang screening naman ang problema.

Sa totoo lang, hindi pa nga natatapos ang isyu ng piracy dahil sumingit na rin ng piracy sa internet, may dumagdag pang pasanin ang mga producer. Idagdag pa riyan ang taxes na matagal nang iniinda ng mga producer.

Hanggang kailan ang kalbaryong ito ng local film producer na patong-patong na?

Maliit man ang film industry kumpara sa ibang negosyo, marami namang nabibigyan ng trabaho sa kada pelikulang ginagawa at ngayon nga ay nagbibigay pa ng prestige sa bansa dahil sa international film festival na sinasalihan ng ating pelikula.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy